Backlog sa pagproseso ng Plate Numbers, sisiyasatin sa muling pagbubukas ng Kongreso

Magkakaroon ng pagdinig sa muling pagbubukas ng Kongreso sa susunod na buwan para siyasatin kung sino ang nagkulang sa nangyayaring backlog sa pagproseso ng plate numbers ng mga sasakyan.

Ayon kay House Committee on Transportation Member Representative Arnel Ty, pagtutuunan ng pansin ng Komite para dinggin ang suhestiyon ng Car Manufacturers.

Pahayag naman ng lto,may mga plaka ng nakahanda ang ahensya subalit hindi pa umano ito kinukuha ng mga dealers.

Matatandaang sinisisi ni Senador Alan Peter Cayetano ang parehong ang lto at car dealers sa palpak na pag-iisyu ng plaka.

Aniya, mali ang ginagawang pagpapatupad ng “No Plate, No Travel” Policy dahil mas pinahihirapan nito ang Publiko.

Speak Your Mind

*