BJMP Dagupan, walang naitatalang kaso ng sakit na HIV-Aids sa mga preso

Walang priso sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan City sa lungsod ng Dagupan na mayroong sakit na HIV-Aids.

Ito ang reaksyon ni City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-Ing noong tanungin siya hinggil sa napabalita kamakailan na mayroong kulungan sa Cebu na kalat na umano ang sakit na Aids.

Ayon kay Bid-Ing, kung sakaling mang may nagsabi sa mga inmates na may HIV-Aids ang kapwa preso ay agad hihiling sa tinutukoy na sumailalim ito sa kaukulang pagsusuri.

Kasabay nito ay ipinaliwanag ng City Jail Warden naang proseso sa pagpasok ng bagong preso sa kulungan ay hinahanapan ang Committing Officers ng Medical Certificate ng inmates na kanyang i-indorso sa BJMP.

Speak Your Mind

*