Dagupan, gumagawa na ng hakbang para masolusyunan ang problema sa open dumpsite – DENR

Nagpakita na ng panukala ang Dagupan City Government sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maresolba ang problema sa basura sa lungsod.

Ayon kay Engr. Antonio Estrada, ang head ng Environmental Monitoring and Enforcement Division ng DENR – EMB o Environmental Management Bureau sa Rehiyon Uno, mayroon na umanong ka-Memorandum Of Agreement (MOA) ang siyudad para magpatayo ng Waste to Energy.

Sinabi ni Estrada na ang dapat gawin ng Lokal na pamahalaan ay i-manage ang sarili nitong basura, sa sakop nitong lugar.

Sa kasalukuyan ay Open Dumpsite pa rin ang klasipikasyon ng tapunan ng basura sa Lungsod, na matatagpuan sa Barangay Bonuan Boquig.

Speak Your Mind

*