Dagupan Pnp, nangunguna sa Pangasinan sa nakapagtala ng drug accomplishment report

Nangunguna ang Dagupan City Police Station sa bilang ng drug accomplishment report sa buong Pangasinan, nitong first quarter ng kasalukuyang taon.

Ito ang kinumpirma ni Police Supt. Cris Abrhano, ang hepe ng Dagupan PNP at aniya, malaking nakatulong sa kanilang kampanya kontra droga ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at pakikipag-tulungan ng publiko sa pamamagitan ng Drug Text Line.

Giit ni Abrahano na higit animnapung porsiyento sa kanilang tagumpay na operasyon ay batay na rin sa ibinibigay na impormasyon ng publiko sa pamamagitan ng text.

Dagdag pa nito na aktibo rin ang barangay Anti-Drug Abuse Council sa lahat ng barangays sa siyudad.

Speak Your Mind

*