Danica Sotto, umaasang forever na ang relasyon nina Vic at Pauleen

Umaasa si Danica Sotto na maging forever na ang relasyon ng amang si Vic Sotto at girlfriend nito na si Pauleen Luna.

Sinabi ni Danica na ayaw niyang may masaktan sa dalawa kayat kung mauuwi daw sa kasalan ang kanilang relasyon ay walang magiging problema sa kanya.

Iginagalang daw niya ang magiging desisyon nina Vic at Pauleen in the future, dahil sa tingin naman niya ay nagawa na ng kanyang daddy ang responsibilidad sa kanila.

Idinagdag pa nito na deserve na ng kayang daddy na maging masaya.

Payo naman ni Danica kina Vic at Pauleen upang magtagal ang kanilang pagsasama, na dapat manatiling may takot at huwag tanggalin ang pananampalataya sa Diyos.

 

Speak Your Mind

*