Empress Schuck, Kumpirmadong tatlong buwan nang buntis

Kumpirmadong tatlong buwan na nang buntis ang Kapuso actress na si Empress Schuck sa kanyang non-showbiz boyfriend na anak ng isang pulitiko.

Matatandaan na ilang linggo nang laman ng blind items ang tungkol sa isang aktres na diumano’y buntis ngayon.

Sinasabing unang pahiwatig ng 22-year-old actress kaya lumabas ang isyung buntis ay dahil sa isang makahulugang mensahe na ipinost nito sa kanyang Twitter account na sinasabing “may mga bagay na gusto mong mangyari pero hindi nangyayari at ang bagay na hindi mo inaasahan ang siyang nangyayari.

Sa ngayon, isa si Empress sa mga bida ng afternoon soap ng GMA Network na Kailan Ba Tama Ang Mali?; kasama sina Max Collins, Geoff Eigenmann, at Dion Ignacio,

Ito ang unang proyekto ng aktres sa Kapuso network mula nang umalis sa Kapamilya network.

Speak Your Mind

*