Fort Magsaysay, inatake ng mga helicopter ng Estados Unidos

Nagsagawa ng air assault ang ilan sa mga attack helicopters ng Estados Unidos sa kampo ng militar sa Fort Magsaysay Nueva Ecija.

Ang naturang air assault ng mga US choppers ay bahagi ng field training exercise ng US at Philippines Armed Forces sa ilalim ng balikatan exercise 2015.

Ang mga ginamit na helicopter ng Estados Unidos sa kanilang live firing ay ang kanilang boeing CH-47 Chinook at 2 Sikorsky UH-60 Black Hawk.

Ang air assault ay isa lang sa maraming pagsasanay na isasagawa sa ilalim ng Field Training Exercises (FTX) at Combined Live Fire Exercise (CALFEX) sa mga susunod pang araw bilang bahagi ng balikatan exercise sa bansa.

Speak Your Mind

*