Gulayan sa Bayan Project, Inilunsad sa bayan ng San Fabian

Inilunsad sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ang ‘Gulayan sa Bayan’ Project bilang ayuda sa mga marginalized farmer kabilang na ang mga magsasaka ng tabako.

Layunin din umano ng nasabing Proyekto na natutulungan ang mga Benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magkaroon ng pangkabuhayan at hindi umasa nalang sa natatanggap na buwanang allowance.

Sa panayam ng Sonshieradio kay Rezalina Guerrero, ang Executive Assistant Secretary to the Mayor, sinabi nito na ang pondong inilaan sa nasabing proyekto ay mula na natanggap ng tobacco excise tax ng bayan.

Nabatid na sa kasalukuyan ay ten percent lamang ang natatanggap ng bawat lokal na pamahalaan mula sa tobacco excise tax.

Speak Your Mind

*