Hypertension, highly preventable na sakit, ayon sa Provincial Health Office

Isang Silent Killer ang Hypertension o High Blood Pressure.

Ito ang binigyang diin ni Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman sa sonshine radio at aniya, ang hypertension ay pagtaas ng presyon na karaniwan sa mga sakit sa puso at sanhi ng stroke o cardiovascular accident.

Dagdag nito na tinatamaan ang kidney sa pagtaas ng blood pressure.

Gayunpaman, ang magandang balita ay highly preventable na sakit ang Hypertension.

Ipinaliwanag nito na ang hypertensive stage one ay may Blood Pressure na 140 hanggang 159 over 90 to 99; Hypertensive Stage two naman kapag 160 pataas over 100 pataas; at hypertensive Crisis naman kapag 180 pataas over 110 pataas ang blood pressure.

Inihayag pa ni De Guzman na kwarenta anyos ang kritikal na edad ng lalaki na posibleng magkaroon ng hypertension, habang ang babae naman ay sa menopausal age.

Ipinaliwanag nito na ang sinsyales at sintomas ng pagkakaroon ng Hypertension ay gaya ng pagsakit ng ulo o batok, sinisikmura, nahihilo, lumalabo ang paningin, nagsusuka, masakit ang dibdib at nahihirapang huminga.

Payo nito na ang dapat gawin ay paupuin at dapat na mag-relax ang hypertensive na tao, kuhanan ng Blood Pressure at kung kinakailangan ay itakbo agad ito sa pinaka-malapit na Health Center o Ospital.

Speak Your Mind

*