Ibat-ibang aktibidad, tampok sa selebrasyon ng Agew na Pangasinan at Pistay Dayat

Kasado na ang ibat-ibang aktibidad para sa gaganaping “Agew na Pangasinan” sa darating na biyernes, Abril a-diyes ngayong taon.

Sa panayam ng sonshine radio kay Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Maluo Elduayan, bubuksan ang 435th Agew na Pangasinan celebration sa pamamagitan ng thanksgiving mass na susundan naman ng commemorative program at tampok dito ang mga nanalo sa ‘Kurit Panlunggaring’ Literary Contest.

Isasabay na rin dito ang presentasyon ng ‘Kurit Panlunggaring’ anthology book one at ‘Pinablin Dalin’ history book.

Sa gabi naman ay magaganap ang ASNA Awards sa Sison Auditorium kung saan bibigyan ng parangal ang mga outstanding pangasinenses na nagkaroon ng dedikasyon at katangi-tanging pagganap sa kanilang propesyon para sa kapakanan ng mga kapwa Pangasinenses at sa buong Pilipinas.

Speak Your Mind

*