K to program, mas akma umanong tawaging k minus 12

Pursigido pa rin si Sen. Antonio Trillanes IV na tutulan ang pagpapatupad ng k to 12 program ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Senador Trillanes, mas nararapat na tawagin ang programang k to 12  na k minus 12 (k-12) dahil sa mga problemang nakikita dito.

Naninidigan si Trillanes na hindi pa handa ang pilipinas para sa k to 12 dahil sa mga problemang nakikita dito.

Kabilang anya sa mga problemang ito ang kakulangan sa pondo, kagamitan, silid-aralan, guro, panahon sa paghahanda, at kakayahan ng mga magulang na pag-aralin ng dalawa pang taon ang kanilang mga anak.

Kaya naman pinangunahan ni Trillanes  ang isang koalisyon ng iba’t-ibang sektor na nananawagang ipagpaliban ang pagpapatupad ng k to 12 program.

Speak Your Mind

*