Kontrata ng mga Chinese Corporations sa mga Mining at Power Generation, pinakakansela

Ipinakakansela kay Pangulong Aquino ang mga Mining at Power Generation Contract na iginawad sa mga Chinese Corporations.

Ito ayon kay anakpawis Rep. Fernando Hicap ay bilang buwelta sa pambu-bully ng China sa Pilipinas.

Sinabi ni Hicap na kung talagang seryoso si Pangulong Aquino na ilaban ang soberenya ng bansa laban sa China ay ang pagkansela ng mga kontrata ng mga Chinese ang pinakamahusay nitong dapat na gawin.

Mula 2012 ay umabot ng 26 ang Mining Corporations na napayagang makapagmina ng Gold, Copper, Iron, Ore, Nickel, Manganese, Lead, Zinc at iba pang Mineral sa bansa.

Nag-o-Operate umano ang mga ito sa 16 probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao at ang pinakamalaking Chinese Mining Operation ay sa Zambales.

Sa katunayan ang Pilipinas umano ang numero unong pinagkukunan ng China ng Nickel Ore sunod lamang ang Indonesia.

Speak Your Mind

*