Libo libong trabaho, handog ng DOLE sa 2015 Labor Day

Nasa tatlumpung libong trabaho umano ang alok sa mga job seeker sa ikinasang 2015 labor day job and livelihood fair ng DOLE NCR.

Ayon kay DOLE Regional Director Atty. Alex Avila, nasa labindalawang libong vacancies ang para sa local employment habang nasa labing walong libong trabaho ang hinahanap sa ibang bansa.

Mag aalok din aniya ng libreng livelihood counselling para sa mga nagnanais na magtayo ng small and medium enterprises at mayroon ding skills training para sa mga nais maging barista, hair cutter at iba pa.

Gagawin ang job fair sa PICC FORUM 1 and 2 , sa Pasay City sa biyernes, (May 1) Labor Day, mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Pinapayuhan ang mga pupunta na magdala ng maraming kopya ng resume at requirements dahil walang limitasyon sa pagpapasa ng aplikasyon.

Speak Your Mind

*