Malaking bahagi ng Pangasinan, nakakaranas ngayong araw ng Power Interruption

Makararanas ng hanggang sampung oras na Power Interruption ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan ngayong araw, Abril a-22.

Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang nasabing pagkawala ng kuryente sa alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kabilang sa mga apektadong lugar na saklaw ng serbisyo ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) at Pangasinan III Electric Cooperative Inc (PANELCO) ay ang mga bayan ng Rosales, Villasis, Sto Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Asingan, Sta Maria, Balungao Tayug, Natividad, San Nicolas, San Quintin, Umingan, Urdaneta City, San Manuel, Binalonan, Pozzorubio, Laoac, Mapandan, Mangaldan, at ilang bahagi ng Sison at Basista.

Samantala, ang mga lugar naman na naserbisyuhan ng San Jacinto substation ng Dagupan Electric Corp (DECORP) ay makararanas ng Power Interruption mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng hapon at mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon.

Ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng San Jacinto, Manaoag at ilang bahagi ng San Fabian, Pangasinan.

Paliwanag ng NGCP, ang Power Interruption ay bahagi ng taunang pagkukumpuni ng linya ng 100MVA Power Transformer sa San Manuel substation, pagtesting sa metering equipment ng conserbest ice plant at ilan pang mga maintenance activities.

Speak Your Mind

*