Manny Pacquiao, handang-handa nang harapin si Floyd Mayweather

Idineklara ni Manny “Pacman” Pacquiao na siya ay handa na physically, mentally at spiritually na harapin si Undefeated American Floyd Mayweather Jr., sa kanilang unification showdown sa Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Iginiit nito na wala na siyang dapat ayusin sa nalalapit na laban dahil kuntento na ito sa kaniyang inihandang preparasyon maging ang kaniyang pananampalataya sa panginoon.

Masaya naman ang fighting congressman maging ang team Pacquiao sa resulta ng kanilang pagsasanay sa training camp.

Sa ngayon, inaayos na lamang ng team ang tamang timing at paggawa ng game plan sa natitirang araw sa Los Angeles, California.

Speak Your Mind

*