Mga drug den sa Tagum Davao del Norte, nadismantle ng kapulisan

Samut saring mga iligal na droga, baril at bala ang nakumpiska ng isinagawang raid ng pinagsanib na pwersa ng PNP, AFP, PDEA, at Phil. Coast Guard sa Tagum City Davao del Norte.

Pinaghihinalaang mga drug den  ang 12 katao sa Brgy. Madaum Tagum City na subject ng inilabas na search warrant ng korte ang sinuyod ng otoridad.

Sa isinagawang operasyon sa mga drug dens, 8 indibidwal ang hinuli ng otoridad na kinilalang sina Rolly Papacan, Habeb Papacan, Efmarie Gallardo, Rhel Barlis, Ain Sencil, Aileen, Molino, Elmer Brunay and Rey Brunay.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang humugit kumulang 150grams na pinaghihinalaang shabu, 4 na marijuana plant, isang pack ng pinaghihinalaang marijuana,7 baril, mga balang pampasabog at 15 mga motorsiklong walang  dokumento.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspect na kasalukuyang nakapiit sa Tagum City Police Station Detention Facility. Report ni: Admar Vilando

Speak Your Mind

*