Mga Inmates sa BJMP Dagupan, binabantayan upang makaiwas sa mga Summer Diseases

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan City na hindi sila nagpapabaya sa pag-antabay sa mga preso upang makaiwas ang mga ito sa tinatawag ng Summer Diseases.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay City Jail Warden Kenneth Bid-Ing ay sinabi nitong batay sa kanyang ikperiensya ay Skin Diseases, Hypertension at Asthma ang kadalasang sakit ng mga preso.

Siniguro nito na bago ang summer ay gumagawa na ng paraan ang BJMP sa pamamagitan ng tips o guidelines sa mga preso para makaiwas sa mga nabanggit na sakit.

Bukod sa nabanggit na aksyon ay niluwagan na rin ng BJMP Dagupan ang bintana sa kulungan, at mahigpit na ring ipinapatupad ang pag-eehersisyo tuwing umaga at ang pagsunod sa Proper Hygiene.

Ini-utos na rin ni Bid-Ing na dapat ay araw-araw na maligo ang mga preso dahil na rin sa sobrang init ng panahon.

Kaugnay nito ay sinabi ng nasabing Jail Warden na limitado ang gamot sa BJMP Dagupan City kaya’t ang kanila na lamang ginagawa ay nakikipag-ugnayan sila sa mga Non-Government Organizations (NGOS) para magbigay ng medisina.

Speak Your Mind

*