Mga nakibahagi sa Pangasinan Tourism and Trade Expo, patuloy na dinadagsa

Patuloy na tinatangkilik ng maraming pangasinense at mga turista na namamasyal sa pangasinan tourism and Trade Expo sa kapitolyo sa bayan ng lingayen ang empanada ni behang na mula pa sa Batac City sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay Jocelyn Corpuz, ang may-ari ng empanada ni behang ang kanilang sikreto sa masarap nilang produkto ay ang paggamit ng giniling na bigas bilang wrapper at ang inihahalo nilang sarili nilang longganisa.

Sa programang negosyong patok ng Sonshine Radio ay sinabi ni Corpuz na sa edad na sampu ay natututo na siyang gumawa ng empenada dahil ito ang negosyo ng kanilang pamilya.

Ngayon aniya ay kanya-kanya na silang pwesto ng kanyang ina, at mga kapatid sa Batac City.

Malakas umano ang kanilang kita sa pagbebenta ng empanada lalo na pagsapit ng hapon hanggang gabi.

Speak Your Mind

*