P2 milyon, inilaan sa livelihood assistance program ng Pangasinan

Pinangunahan ni Gov. Amado T. Espino Jr. ang pamimigay ng tseke na may halagang mahigit dalawang milyong peso sa labing pitong asosasyon at limang Micro-Small and Medium Enterprises (MSMES) mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan.

Ginanap ang distribusyon ng tseke sa Urduja Palace sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Luzviminda Muego, ang Livelihood Program Consultant, ang inilaan ang nabanggit na halaga para sa ipinapatupad na Livelihood Assistance Program ng Provincial Government na nasa ilalim ng Provincial Population Office (PPO).

Gagamitin ang pondo para sa iba’t ibang aktibidad tulad ng commodity trading, farm and agricultural inputs, cooperative re-lending, produksyon ng asin, pagpaparami ng pato, produksyon ng itlog maalat, t-shirt printing, tailoring, egg retailing at balut trading.

Speak Your Mind

*