Pacquiao, pakakawalan ang pampa-tulog na kaliwang kamao kay Mayweather

Tiyak na magugulat si Floyd Mayweather, Jr. sa sandaling magharap sila ni Manny Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang mga nakaraang laban ay palagiang ginagamit ni Pacquiao ang kanyang kanang kamay.

Ngunit sa isa nilang 12 rounds na sparring ay hindi pi-nagamit ni Chief Trainer Freddie roach ang kanang kamay ng filipino world eight-division champion.

Ginamit ni Pacquiao ang kanyang kanang kamay laban kina Brandon Rios, Timothy Bradley, jr. at Chris Algieri.

Tiniyak ni Roach na muling maipapatikim ni Pacquiao ang kanyang pampatulog na kaliwang kamay kontra kay Mayweather.

Speak Your Mind

*