Pagtanggi ng lto sa pagpapaliban ng ‘“No Plate, No Travel” Policy Implementation, ikinadismaya ni Sen. Cayetano

Dismayado si Sen. Alan Peter Cayetano sa pagtanggi ng Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban ang implementasyon ng ‘No Plate, No Travel Policy’.

Matatandaang hiniling ni Sen. Cayetano sa lto na ipagpaliban ng 30 days ang implementasyon ng nasabing patakaran.

ayOn kay Cayetano ang tugon na ito ng lto ay pagbibigay parusa sa publiko lalo na sa mga may-ari ng sasakyan.

Iginiit ni Sen. Cayetano na ang Inefficiency ng ilang opisyal ng lto ang dahilan kung bakit dapat ipagpaliban ang ‘No Plate, No Travel Policy’.

Dagdag pa ni Cayetano na kailangan natin ng isang pamahalaan na magpapabago sa pamumuhay ng taumbayan at hindi ang magbigay ng parusa sa mga ito.

Speak Your Mind

*