Pangasinan at buong rehiyong uno, “strike free” ayon sa DOLE

Nananatiling “strike free” ang lalawigan ng Pangasinan maging sa buong rehiyong uno pagdating sa kaso ng mga manggagawa.

Ito ang inihayag ni Engr. Engracio bailon, ang District Chief ng DOLE Dagupan City sa Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum kaugnay sa nalalapit ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa Mayo a-uno.

Ayon kay Bailon, tinututukan ng DOLE-National Conciliation and Mediation Board ang mga establisyemento na may union upang agad na maayos kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng manggagawa at employer.

Sinabi naman ng DOLE na mayroon parin namang mga manggagawa na hindi kontento sa sinasahod ngayong minimumwage na P253 sa rehiyon.

Sa kasalukuyan ay P253 ang pinaka-mataas na minimum wage sa rehiyon uno kung ang asset ng kompanya ay higit sa P3 million.

Apat ang kategorya sa pagdedetermina ng minimum wage, kinabibilangan ito ng micro, small, medium and large establishments.

Speak Your Mind

*