Pangasinan Trade and Tourism Expo 2015, dinaluhan ng may 100 exhibitor

Mahigit na isang daang exhibitors ang nakikiisa ngayon sa Pangasinan Trade and Tourism Expo 2015.

Tampok sa Trade Expo ang mga pangunahing produkto, pook pasyalan at serbisyong ibinibigay na matatagpuan sa isang bayan o siyudad.

Ayon kay Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Malu Elduayan, sa ginaganap na 8th Pangasinan Trade and Tourism Expo ay tampok din ang “Aliguas ed Turismo tan Ekonomiya” awards, isang incentive and awards program ng provincial government sa mga kapartner nito sa pag-papaunlad at promosyon ng turismo at kalakalan.

Sa nabanggit na pagbibigay parangal ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga exhibitors mula sa Pangasinan na makuha ang titulong Best Tourism Exhibit, Best LGU/OTOP Presentation at Best SME exhibit sa apat na kategorya gaya ng plants and garden, furniture, gifts, toys and handicrafts (GTH) at food category.

Ang Pangasinan Tourism and Trade Expo ay ginaganap ngayon sa Pangasinan Training ang Development Center Compound, mula Abril a-otso hanggang Mayo a tres, bilang bahagi ng isang buwang mahabang selebrasyon ng Pistay Dayat 2015.

Speak Your Mind

*