PENRO, umapela sa publiko na pangalagaan ang kabundukan laban sa Grassfire

Umaapela ngayon ang Pangasinan Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa publiko na nagpupunta ng kabundukan na iwasan ang mga bagay na maaaring makalikha ng sunog.

Sa panayam ng Sonshine Radio sinabi ni PENRO officer Wendy Co na maging maingat, huwag ng magluto at huwag basta-basta itapon ang may silab na upos ng sigarilyo na maaaring sanhi ng Grass Fire.

Gayundin, iwasan din aniya ang pagpuputol ng mga punong kahoy sa kabundukan upang gagawing uling.

Nabatid na sa lalawigan ng pangasinan, mataas ang naitatala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kaso ng Grass Fires lalot na ngayong mainit ang panahon.

Speak Your Mind

*