Philippine imports, tumaas noong buwan ng Pebrero

Nakabawi ang Philippine Imports nitong Pebrero dahil sa mas mataas na shipments ng electronic products.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang total imports noong Pebrero ay umakyat sa 11.2 porsiyento, ang pinakamataas simula noong Enero 2014, sa $5.326 billion.

Noong Enero, bumaba ang imports ng 12.4 porsiyento dahil sa mas mababang presyo ng langis.

Samantala ang inward shipment ng electronic products, na may pinakamalaking imports share sa 34.8 porsiyento, ay tumaas ng 42.4 porsiyento sa $1.853 billion noong Pebrero.

Ang imports ng mineral fuels, lubricants at mga kaugnay na materyales, na iniranggong second imported commodity sa 18.7 porsiyentong pagbaba sa $666.75 million noong Pebrero dahil sa mas mababang presyo ng langis.

Speak Your Mind

*