PNP, tiniyak na walang special treatment na ibibigay kay Janet Lim-Napoles

Walang ibibigay na special treatment sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Ito ang siniguro ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., kasabay ng pagkakalipat nito sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong.

Ani Cerbo, tiwala ito na hindi maiimpluwensyahan ang mga namumuno sa Correctional para mabigyan ng espesyal na pagtrato si Napoles.

Matatandaang, nahatulan na si Napoles ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork barrel whistleblower na si Benhur Luy.

Tikom naman ang bibig ng kampo ni Napoles. Ayon kay Atty. Bruce Rivera, abogado ni Napoles, wala itong ideya sa pagkakaroon ng special treatment kay NapolesĀ  sa loob ng Correctional.

Samantala, tumanggi namang idetalye ng kampo ni Napoles ang mga susunod nitong hakbang matapos ang desisyon sa kasong serious illegal detention.

Speak Your Mind

*