Presyo ng mga gulay sa Agri Pinoy Trading Center sa Urdaneta City, balik normal na

Balik normal na ang presyo ng mga gulay sa Agri Pinoy Trading Center sa Urdaneta City matapos ang naranasang pagmahal ng presyo nitong nagdaang mahal na araw.

Ito ay bunsod ng normal na rin na pagdating ng mga gulay sa nabanggit na pamilihan.

Magugunitang nitong mga nakaraang araw ay walang dumating na suplay ng gulay sa siyudad.

Ayon kay City Market Supervisor Cesar Estoesta, dalawampung tonelada o dalawampung libong kilo kada araw ang ibinabagsak na gulay sa nasabing trading center.

Sa katunayan aniya ay mas maganda ngayon ang mga dumarating na gulay mula Benguet dahil na rin sa unti-unting pag-ganda ng panahon sa nabanggit na lugar.

Speak Your Mind

*