Presyo ng mga produktong petrolyo, bumaba ngayong araw

Simula kaninang hatinggabi ay bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.

Umabot sa 65-sentimos kada litro ang ibinaba sa halaga ng gasolina, kinse-sentimos naman sa kada litro ng diesel at 20- sentimos naman sa kerosene.

Kabilang sa mga nagbaba ng presyo kaninang hatinggabi ay ang Pilipinas Shell, Chevron, Petron, PTT, at Seaoil.

Habang ngayong alas-sais naman ng umaga ang rollback na ipatutupad ng Phoenix Petroleum at Total.

Ang bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaang noon lamang isang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis.

Speak Your Mind

*