Radioactive Drone, natagpuan sa bubong ng opisina ng Japanese Prime Minister

Iniimbistigahan na sa ngayon ng Tokyo police ang natagpuang Drone na may radioactive sa bubong ng tanggapan ni Japanese Prime minister Shinzo Abe.

Ayon sa Tokyo Metropolitan police, napansin ng mga staff ng prime minister ang four-propeller drone na may lawak na 50-centimeter kayat agad inalerto ang mga otoridad.

Base sa report, ang Drone ay may maliit na camera at plastic bottle na positibo sa “Minuscule” radiation.

Napag-alaman na wala si Abe sa kaniyang opisina nang mangyari ang incidente dahil nasa Indonesia ito para sa Asian-African Conference.

Speak Your Mind

*