San Fabian Beach, dinagsa ng mga beachgoers mula sa mga karatig lalawigan

Dumagsa ang maraming turista sa San Fabian Beach sa bayan ng San Fabian, Pangasinan nitong nagdaang semana santa.

Ayon kay Executive Assistant Secretary to the Mayor, Rezalina Guerrero ang nabanggit na lugar ang pangunahing atraksyon sa kanilang bayan.

Karamihan sa mga beachgoers na nagtungo sa San Fabian Beach mula huwebes santo hanggang sa linggo ng pagkabuhay ay mula sa lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, La Union at Baguio City.

Dagdag naman ni Guerrero na naging mahigpit ang pagbabantay para sa kaligtasan at seguridad ng mga beachgoers sa pagtutulungan ng Water Search and Rescue (WASAR) Team, Philippine Navy, Philippine Red Cross, PNP at mga barangay officials.

Speak Your Mind

*