San Fabian, ipagdiriwang ang kauna-unahang “Anian Festival” sa susunod na taon

Maagang pinaghahandaan ng pamahalaang lokal ng bayan ng San fabian, Pangasinan ang kanilang kauna-unahang Anian Festival na gaganapin sa susunod na taon.

Ayon kay Rezalina Guerrero, ang Executive Assistant Secretary to the Mayor, ang anian ay mula sa salitang pangasinan na ang ibig sabihin ay anihan.

Ani Guerro, napili nilang ang anian festival bilang pamaliit sa kanilang taunang town fiesta dahil ang San Fabian ay sagana sa ibat-ibang uri ng produkto kabilang na ang tabako, mais, palay, paggawa asin at pagtutuyo.

Target naman na ganapin ang Anian Festival sa buwan ng Abril sa susunod na taon at magtatagal ng dalawang linggo kung saan tampok din ang ibat-ibang mga aktibidad kabilang na rito ang balsa karera.

 

Speak Your Mind

*