Sektor ng agrikultura sa Urdaneta City, hindi pa apektado ng tag-init

Walang masyadong kinakaharap na problema ang sektor ng agrikultura sa lungsod ng Urdaneta.

Ito ay sa kabila ng nararanasang tag-init, ayon kay City Agriculture Officer Bonifacio Farinas.

Ani Farinas, karamihan sa mga magsasaka sa kanilang lugar ay nakapag-ani na, bago ang tag-tuyot.

Nauna rito ay napabalitang ilan sa mga sakahan at palaisdaan sa lalawigan ng Pangasinan ang nakakaranas ng pagka-bitak-bitak o natutuyong lupa dahil na rin sa nararanasang masyadong init ng panahon.

Speak Your Mind

*