Tourism and Trade Expo sa Pangasinan, pormal ng nagbukas ngayong araw

Pormal na bubuksan mamayang gabi ang Pangasinan Tourism and Trade Expo sa training and development center sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Malu Elduayan, hindi lamang mga pangunahing produkto ng iba’t ibang bayan at siyudad sa Pangasinan sa trade expo kundi pati na rin mga pangunahing pook pasyalan at serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay marami ng mga stalls ang nakalagay sa kapitolyo ng Pangasinan at dagsa na rin ang maraming mga bisita.

Ang seremonya sa pagbubukas ng Pangasinan Tourism and Trade Expo ay gaganapin dakong alas singko y medya ng hapon.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng Pistay Dayat at Agew na Pangasinan.

Speak Your Mind

*