Transaksyon ng Ilegal na Droga sa mga kulungan, matagal nang kalakaran

Matagal nang kalakaran sa kulungan ang mga transaksyon ng Ilegal na Droga!

Ito ang inihayag ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez Sa Sonshine Radio.

Aniya, kung naging talamak ang bentahan ng droga sa new bilibid prison na pinakamalaking kulungan sa bansa ay hindi malayong nangyayari rin ito sa iba pang maliliit na kulungan sa ibang mga lugar.

Muling iginiit ni Jimenez na dapat ay ibalik na ang Death Penalty para masawata na ang mga ilegal na aktibidad ng mga ito kahit pa nakakulong na.

Speak Your Mind

*