Alaminos City LGU, kampeon bilang Best OTOP sa 8th Pangasinan Trade and Tourism Expo

Matagumpay ang isinagawang 8th Pangasinan Trade and Tourism Expo sa kapitolyo sa bayan ng Lingayen.

Sa pagtatapos ng aktibidad kahapon ay marami pa ring mga namili lalo na ng mga halaman na bumaba ang presyo.

Ilang kategorya ang pinaglabanan sa exhibit ng mga Best Small Medium Enterprises (SMES).

Wagi sa unang puwesto sa furniture category ang R.U. Garcia Furniture; sa Gift Toys and Handicrafts Category ay ang Dorevi Handicrafts; at sa Food Category naman ay ang Bella’s Puto Calasiao.

Samantala, sa best One-Town-One-Product (OTOP) – Local Government Unit (LGU) exhibit ay tagumpay naman ang Alaminos City na masungkit ang unang pwesto, na sinundan naman ng Bugallon, at nasa pangatlong pwesto ang bayan ng Bolinao.

Sa Plants and Landscape Competition naman ay nag-kampeon ang Green Haven Garden and Landscaping, first runner-up ang Narva’s Garden ang Landscaping, at second runner-up naman ang Fe’s Garden.

Speak Your Mind

*