American Singer Katy Perry, darating sa huwebes para sa isang concert sa bansa

Nakatakdang dumating sa huwebes ang sikat na American Singer, Songwriter at Actress na si Katheryn Elizabeth Hudson o mas kilalang Katy Perry para isang concert na gaganapin dito sa bansa

Ayon sa isang source ng MIAA galing Macau darating si Perry na lulan ng charterer flight at gagamit ito ng pribadong hangar sa paliparan ngunit walang tiyak sa eksaktong oras ng paglapag ng nasabing eroplano sa hapon at dederetso ito sa lugar na gaganapin ang kanyang world tour concert

Isa sa mga pinasikat na kanta ni Perry ay ang Roar, Dark Horse, Firework, I Kissed A Girl, Wide Awake at iba pa na umani ng maraming parangal kabilang dito tatlong Guineness Records

Napabilang din si Perry sa Forbes bilang Top Earning Women in Music para sa taong 2011 hangang 2012 kung saan buong karera ng kanyang buhay nakabenta na sya ng labing isang milyong albums at 81 millions singles worlwide.

Speak Your Mind

*