Ekonomiya ng bansa, humina ang paglago sa first quarter ng taong 2015

Bahagya umanong humina ang paglago ng ekonomiya ng bansa nitong first quarter ng 2015, kung ikumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ito ay ayon Sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA),

Batay sa datos ng NEDA, naitala lamang sa 5.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa, na mas mababa sa 5.6 percent record noong nakaraang taon.

Ayon kay Economic Planning Sec. Arsenio Balisacan, ang pinakabagong datus ay mas mababa rin umano sa inaasahang economic performance ng gobyerno at merkado.

Speak Your Mind

*