Halaga ng benipisyong naibigay sa mga naulila ng SAF 44 umabot na sa mahigit 77-M piso

Umabot na sa mahigit 77.1 Milyong piso ang kabuuang halaga ng benepisyong nakuha ng mga naulila ng tinaguriang gallant SAFF 44 mula sa Philippine National Police, National Police Commission, President’s Social Fund at iba pang mga institusyon.

Ayon kay PNP DDGEN Leonardo Espina, sa naturang halaga, ang 11 milyong piso ay nagmula sa president’s social fund – special financial assistance, habang ang mahigit 7.6 milyong piso ay mula naman sa special financial assistance ng PNP at ang mahigit 9.6 milyong piso ay mula sa commutation of accumulative leave.

Humigit kumulang naman sa 14 milyong piso na burial at gratuity benefits ay mula sa Napolcom.

Kasama na rin dito ang mahigit 1.6 milyong piso na pension benefits mula sa pnp at Napolcom.

Nakatanggap din ang pamilya ng SAF 44 ng mahigit 24.5 milyong piso na benepisyo mula sa Public Safety Mutual Benefits Fund Inc. [PSMBFI], mahigit 5.1 milyong piso mula senado at 3.1 milyong piso mula sa Dasmarinas, Cavite local government unit.

Speak Your Mind

*