Kampanya laban sa mga illegal recruiters, pinaigting ng POEA Region 1

Pinapaigting ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Region one ang kanilang kampanya laban sa mga illegal recruiters.

Sinabi sa sonshine radio ni POEA Regional Director Delfina Camarillo na nagsasagawa ang kanyang opisina ng pre-employment orientation seminar sa mga paaralan at sa mga barangays.

Ani Camarillo na ang nabanggit na seminar ay isa sa istratehiya ng ahensya para makaiwas sa mga illegal recruiters ang mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.

Tinatalakay sa seminar ang hinggil sa pag-iwas sa illegal recruitment, mga dapat gawin kapag nasa abroad na, mga dapat dalhin kapag pumunta ng ibayong dagat at iba pa.

Speak Your Mind

*