LGU’S Calasiao, tumanggap ng 5k Livelihood Assistance mula Dole Region 1

Nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ng 500,000 pesos sa lokal na pamahalaan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang nabanggit na halaga ay gagamitin para sa livelihood program sa nasabing bayan.

Tinanggap ni Mayor Mark Roy Macanlalay ang nabanggit na halaga mula sa dole sa pangunguna ni Regional Director Grace Ursua.

Ayon kay Macanlalay, ang partikular na makikinabang sa nabanggit na halaga ay ang Calasiao Welders Association at Calasiao Aliguas Blacksmith Association na ang kabuuang mga miyembro ay aabot sa limampung katao.

Sinabi ng alkalde na ang lokal na pamahalaan ang bibili ng mga gagamiting materyalis ng mga asosasyon para sa kanilang livelihood program, at ito ay ibibigay sa kanila.

Payo pa ng alkalde sa kanyang mga kababayan na ingatan ang suportang ibinigay sa kanila ng dole dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa pagpapalago ng kanilang kita at mai-angat ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Speak Your Mind

*