Mahigit isanglibong Pangasinan Pnp, makikiisa sa Brigada Eskwela ng Deped

Mahigit isang libong miyembro ng Pangasinan Provicial Police Office (PPO) ang makikibahagi sa Brigada Eskwela ng Department of Education (Deped).

Sinabi ni Police Supt. Ferdinad “Bingo” de Asis, ang Public Information Officer ng Pangasinan Pnp sisiguraduhin nila ang kaligtasan ng mga bata sa eskwelahan.

Babantayan rin ng kapulisan ang seguridad ng mga paaralan dahil ilang paaralan na rin ang nanakawan.

Bukod sa PNP ay tutulong rin sa Deped Brigada Eskwela ang BFP, lokal na pamahalaan, mga guro, magulang, estudyante at komunidad bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay itinakda mula Mayo a-dise otso hanggang a bente tres.

Speak Your Mind

*