Mga bata sa Nepal, bawal nang ibyeheng mag-isa dahil sa banta ng child trafficking

Inianunsiyo ng gobyerno ng Nepal na bawal nang ibyeheng mag-isa ang mga bata upang maiwasan ang child trafficking dahil maraming nawalan ng tirahan sa bansa matapos tamaan ng malalakas na lindol.

Sinabi ng Ministry of Women, Children and Social Welfare, na kung iba-byahe ang mga bata kailangang may kasamang mga magulang o legal guardian upang maprotektahan ang mga batang nanunuluyan na lamang sa mga tent camp.

Inilabas ang ban ilang araw matapos pigilin ng mga pulis ang dalawang grupo ng mga bata na dinadala ng mga hindi kamag-anak sakay ang isang bus sa magkahiwalay na distrito.

Sa ngayon, nasa government shelters na ang mga bata at iniimbestigahan ng pulisya ang kaso kasabay ng pagsuspinde na rin ang international adoptions.

Speak Your Mind

*