Mobile Balik Manggagawa Program ng POEA Region 1, patuloy

Patuloy pa rin na tinutulungan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga nagbabakasyon na Overseas Filipino Workers (OFWS) na nasa bansa.

Ayon kay POEA – Region One Director Delfina Camarillo, isa sa frontline services na isinasagawa ng ahensya ay ang pag-proseso ng mga dokumento ng mga nagbabakasyon na balikbayan ngunit pansamantalang nagta-trabaho sa bansa.

Aniya, isa sa kinakailangan kasi na dokumento ng OFW kapag bumalik na siya sa kanyang trabaho sa abroad ay ang exit clearance, at ito ay kabilang sa ipinu-proseso sa balik manggagawa program ng poea.

Sinabi sa sonshine radio ni Camarillo na sa lungsod ng Dagupan ay nagsasagawa ng mobile Balik Manggagawa Program ang POEA tuwing araw ng miyerkules.

Speak Your Mind

*