Nepal, muling niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ngayong hapon

Muling niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Nepal ngayong hapon lamang.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang sentro ng pagyanig sa 68 km ng kanluran ng bayan ng Namche Bazar na di nalalayo sa Mount Everest.

Ito ay may lalim na 10 kilometro.

Nag-panic ang mga residente sa Kathmandu at tumakbo sa mga lansangan.

Nabatid na hindi pa nakakabangon ang Nepal sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa bansa noong April 25 kung saan umaabot na sa mahigit 8,000 ang patay.

Speak Your Mind

*