NGP Regional Summit, isasagawa ng DENR sa bayan ng Lingayen

Magsasagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng National Greening Program (NGP) Regional Summit para sa Local Government Units at People’s Organization sa June 3 hanggang 5 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Officer-In-Charge Regional Director Paquito Moreno Jr. ng DENR-Region One, layon ng summit na mapaunlad ang pagpapatupad ng NGP at kaparehong malalaking programa at proyekto ng ahensya.

Ito rin ay magsisilbing lugar para maibahagi ng bawat isa ang kanilang katagumpayan at natutunan habang ipinapatupad ang nasabing programa.

Magiging daan rin ang summit para matukoy ang mga action plans upang mapaunlad ang mga nagawa na para sa forest rehabilitation program.

Ang NGP ay isang proyektong ikinukunsidera bilang Climate Change Mitigation Strategy na naglalayong mapa-unlad ang mga kabudunkan sa bansa at dinisenyo rin para mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong aktibidad na pangkabuhayan tulad ng pagpaparami ng seedlings at pagpapalago sa mga naitanim ng ng mga puno.

Speak Your Mind

*