Pag-iikot ni BM Espino sa Pangasinan, hindi pa umano binabanggit ang tungkol sa pulitika

Hindi binabanggit ni Pangasinan Liga ng mga Barangay Federation President Amado Espino III ang patungkol sa pulitika kapag siya ay nagsasalita sa harap ng publiko.

Ito ang inihayag ni Board Member Danny Uy ng 5TH district ng Pangasinan hinggil sa isyung nagagamit umano ni Board Member Espino ang posisyon sa kanyang planong pagtakbo bilang Gobernador ng lalawigan sa 2016 election, sa pamamagitan ng paglulunsad ng programa o proyekto.

Ayon kay Uy, kapag inimbitahan si Espino sa isang okasyon, kung ano ang tema ay duon naka-sentro ang kanyang pananalita.

Hindi rin aniya binabanggit ng kapwa niya bokal na siya ay kakandidato sa pagka-gobernador.

Dagdag ni Uy na si bokal Espino ay iniimbita sa mga barangay at hindi siya nag-papa-imbita.

Sa katunayan umano ay kaliwa’t kanan ngayon ang imbitasyon kay Espino at dahil hindi lahat ay kaya nitong puntahan, ito ay nagpapadala na lang ng kanyang magiging kinatawan o proxy.

Speak Your Mind

*