Pagsasampa ng 3rd batch sa kasong Pork Barrel Fund Scam, isinasapinal na

Nakatakda ng magpulong sina Justice Secretary Leila De Lima at justice  undersecretary Jose Justiniano para isapinal ang rekomendasyon sa pagsasampa ng pangatlong batch ng kasong kaugnay ng pork barrel fund scam.

Nilinaw ng kalihim na prayoridad pa rin ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kaso para sa third batch, pero kailangan muna anyang repasuhin ang mga sinasabing pinekeng lagda ng mga mambabatas.

Tumanggi namang magkomento ang kalihim hinggil sa ulat ng Commission on Audit na mas marami pang mambabatas ang dawit sa disbursement accelaration program dahil hindi pa raw niya nakikita ang report ng COA.

ito ang reaksyon ni De Lima sa pahayag ni Atty. Levito Baligod na hindi umano prayoridad ng DOJ ang pagsasampa ng 3rd batch ng kaso sa DAP dahil may ilang mambabatas at opisyal na kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino ang sangkot dito.

Speak Your Mind

*