Pagtakda ng target para sa pagpasa ng BBL, hindi tututulan ng minorya sa Kamara

Di alintana ng minorya sa Kamara ang pagtakda ng liderato ng kongreso na maipasa ang kontrobersyal na panukala ng BBL bago pa ang Sine Die Adjournment sa Hunyo.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Neri Colmenares hindi nila kinuwestyon ang hakbangin ng mayorya sa Kamara lalot karapatan ng sinuman na maglagay ng target kung kailan naising maipasa ang panukala.

Sa gitna nito, nagbabala si Colmenares na dapat tiyaking nabusisi ito ng mga mambabatas at  naayon sa konstitusyon.

Matapos anya ng 48 pagdinig ng Ad Hoc Comm on the Bangsamoro umaasa ang kongresista na may sapat ng batayan at panuntunan ang bawat mambabatas kung nararapat itong maipasa sa comm level at sa plenaryo.

Speak Your Mind

*