Pangasinan PESO, ratsada pa rin sa pagsasagawa ng jobs fair ngayong Mayo

Tuloy-tuloy ang pagtutulungan ng Pangasinan Provincial Employment and Services Office (PESO) at ng ilang kampanya para mabigyan ng trabaho ang mga Pangasinenses.

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, sa huwebes, Mayo a siyete ay isasagawa ang Mini Jobs Fair sa PESO Office para sa mga naghahanap ng trabaho, lokal man o abroad.

Ang Bantayan Manpower Services ay nagaalok ng mga trabaho gaya ng management trainees, frontliners, cashiers, at riders.

Habang ang Epson Precision Philippines naman ay naghahanap ng 200 na production operators.

Isa rin sa makikilahok sa jobs fair ay ang Sitel Philippines na naghahanap naman ng customer service representative at technical support representative.

Samantala, para sa mga nagnanais magtrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ay nagbukas naman ng oportunidad ang Aram Enterprises para sa mga nurses, laboratory technicians, physiotherapist, respiratory therapist, masons, masons, electricians, at plumbers.

Sa bansang Taiwan naman ay naghahanap ang Skybourne International, Inc. ng mga interesadong mag-aplay bilang factory workers.

Umpisa alas otso ng umaga ay gaganapin ang interview sa PESO Office sa Capitol Coumpound, sa bayan ng Lingayen.

Speak Your Mind

*