Pangasinense, hinikayat na makiisa sa kampanya kontra illegal drugs

Patuloy ang paghikayat ng Pangasinan PNP sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra illegal drugs.

Ayon kay Police Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, ang Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), araw-araw ay nakakahuli ang kapulisan ng mga sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Ang kanilang tagumpay ay dahil na rin umano sa tulong ng komunidad.

Sa kasalukuyan ay nagtutulungan ang Pangasinan PNP, Provincial Government, mga ahensya ng gobyerno at iba pa sa pagtataguyod ng kampanya kontra illegal drugs.

Nangako si de Asis na lahat ng kanilang isasampang kaso ay hindi nila hahayaang magkaroon pa ng butas para makasuhan ang kanilang mga nahuhuli.

Speak Your Mind

*